
BASAHIN | EXECUTIVE ORDER NO. 17
“Reiterating Strict Compliance with Health and Safety Protocols due to the Delta Variants of COVID-19 and Other Related Purposes. ”
Effectivity date: August 2-15, 2021
Narito ang mga highlight:
– Nasa ilalim pa rin ng Modified General Community Quarantine ang Pampanga, ngunit mas pinaigting pa ang mga restriksyon na ipapatupad sa bisa ng EO 17.
– Tamang pagsusuot ng facemask at faceshield sa mga pampublikong lugar, regular na paghuhugas at sanitize ng mga kamay, proper cough etiquette, at pagpapanatili ng physical distancing.
– Mga indibidwal edad 18 hanggang 60 lang ang papayagang lumabas ng bahay.
– Curfew hours simula 10pm hanggang 5am, except workers.
– Kailangan munang kumuha ng written permit mula sa LGU-IATF ang mga magsasagawa ng social gathering sa mga resort, function halls, at covered courts.
– Papayagan lamang hanggang tatlong araw at dalawang gabi ang pagbuburol sa non-COVID-19 related deaths.
– Lilimitahan lang din hanggang 50% ng venue capacity ang mga dadalo sa burial ceremonies.
– Ipinagbabawal din ang pagbebenta at pagbili ng alak habang hindi pa ipinapawalang bisa ang liquor ban.
– Hindi muna papayagang pumasok ang non-residents sa Pampanga kung walang hawak ang mga ito ng negatibong resulta ng antigen o RT-PCR test na kinuha 48 hours before entry.
– Magsisimula na ngayong gabi ng July 30 ang border controls sa lalawigan sa pangunguna ng PNP.
– Ire-reactivate din ang barangay checkpoints simula bukas, July 31.
– Papayagang mag-operate ang mga establisyimento, tulad ng mga restaurant ng hanggang 30% ng venue capacity sa loob, at 50% naman para sa mga outside resto.
– Ang mga magche-check in sa mga hotel, kailangan munang magpresenta ng negatibong resulta ng antigen o RT-PCR test bago i-accommodate, kailangan ay kinuha ito 48 hours before time of check in.