Bedridden, pero hindi Kinalimutan
Muling ipinaramdam ng Kapitolyo sa pamumuno nina Governor Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, at ng Sanggunian Panlalawigan ang kanilang malasakit sa mga nakatatandang nakaratay.
Sa bayan ng Lubao, personal na hinatid nina Mayor Esmie Pineda at Councilor Jayson Victorino ang ayuda ng Kapitolyo sa mga matatanda ngayong umaga.
Hindi lang kinamusta, kundi tunay na pagdamay ang dala:
✅ Grocery food packs
✅ ₱3,000 cash incentive
✅ Diapers & wheelchairs (para sa nangangailangan)
Bukod pa dito, inatasan din ni Mayora Esmie ang LGU na tiyaking maayos ang pagpapagamot ng mga bedridden: mula sa gamot, oxygen, nebulizer, hanggang sa sapat na suplay ng medisina sa munisipyo at barangay health centers.
“Ang ating mga nakatatanda ang dapat unang inaalagaan. Sa kanila tayo nagmula, at ngayon ay tungkulin nating suklian ang kanilang sakripisyo,” wika ni Mayor Esmie.
Sa patuloy na pamumuno nina Nanay Gov at Vice Gov Delta, katuwang ang PSWDO Head Fe Manarang, nananatiling prayoridad ang kalagayan ng mga lolo’t lola sa Pampanga lalo na ang mga hindi na kayang magtungo sa pagamutan.
: Prince Gamboa / Pampanga PIO
#CapitolCares
#LingapParaSaNakatatanda #BedriddenSupport
#GovNanay
#MayorEsmie
#LevelUpLubao
























