Contact Us: (045) 971-6276

Drug Suspect arrested in a Buy-Bust Operation

SUSPEK SA DROGA HULI SA IKINASANG BUY- BUST OPERATION

Lubao Municipal Police Station, Lubao, Pampanga – Isang lalaki na kabilang sa listahan ng drug personalities sa bayan ng Lubao ang nakorner ng miyembro ng Lubao Municipal Drug Enforcement Unit sa isinagawang buy-bust operation noong ika-11 ng Agosto 2020.

Matagumpay na nahuli ang isang drug pusher sa isinagawang buy-bust operation ng Lubao Municipal Drug Enforcement Unit (MDEU) sa pangunguna ni PLTCOL MICHAEL JHON N RIEGO sa Brgy. San Roque Dau 1st, Lubao, Pampanga noong ika-11 ng Agosto 2020 ganap na 6:30 ng umaga. Nakumpiska sa nasabing suspek ang isang (1) pirasong maliit na plastic na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) limang daan piso na nagsilbing marked money at isang (1) itim na sling bag na naglalaman ng tatlong (3) pirasong plastic na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Himpilan ng Pulisya ng Lubao at nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Follow Us

Copyright © 2020. Municipality of Lubao, Pampanga. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!