Skip to main content

Executive Order No. 22-2021

NASA ALERT LEVEL 2 PA RIN PO ANG PAMPANGA.
Base po sa anunsyo ni Cabinet Secretary at acting spokesman Karlo Nograles, inilagay pa rin po ng IATF ang Pampanga sa Alert Level 2.
Ang akin pong Executive Order No. 22-2021 ang guide natin sa pagsunod sa Alert Level 2.
Ituloy po natin ang mga safety protocol: Magsuot ng face mask. Dumistansya ng 1-2 metro sa mga tao. Iwasan ang matataong lugar. Maghugas palagi ng kamay. Magpahid ng alcohol.
Kung may sintomas o na-expose sa kumpirmadong may COVID-19, mag-isolate at ipareport ang inyong sitwasyon sa barangay captain. Magpatingin sa Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital, ang ating provincial hospital sa Guagua.
Gawin po natin na SAFE ang ating Christmas.