Skip to main content

EXTENDED LIFE SA TULONG NG LUBAO DIALYSIS CENTER


Mula sa limang oras na taning para mabuhay, nadugtungan ng dalawang taon ang buhay ni Mang Edwin Galang matapos siyang maisailalim sa emergency dialysis noong 2023.
Ang kanyang kritikal na kondisyon ay dulot ng matagal na pag-inom ng pain relievers para sa rayuma at gout.
Malaking tulong aniya ang Dialysis Center ng Bayan ng Lubao na binuksan noong Disyembre 2023.
Ang Dialysis Center ay mayroong limang DOH-accredited machines na nagsisilbi sa 20 regular patients kada araw sa shifting schedule.
Sa ilalim ng No Cash-Out Policy ng LGU, katuwang ang PhilHealth, libre ang dialysis at iba pang serbisyong medikal para sa mga kwalipikadong Lubeño.
Plano ngayon ng lokal na pamahalaan na palawakin ang kapasidad ng center upang mas marami pang residente ang mabigyan ng pagkakataong mabuhay at makasama ang kanilang pamilya.
📸: Daniel Ombina / Pampanga PIO

CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/p/18PMgN8DpR/