Ibinigay na po ang unang sampung bahay para sa mahigit 700 pamilya na pinaalis sa gilid ng mga ilog sa 25 barangays ng Lubao

Pabahay
Ibinigay na po ang unang sampung bahay para sa mahigit 700 pamilya na pinaalis sa gilid ng mga ilog sa 25 barangays ng Lubao ayon sa mandamus ng Korte Suprema na linisin ang Manila Bay.
Under processing na po ang application ng ibang pamilya sa Lubao Resettlement ng National Housing Authority sa San Pablo Dos.
Kami po sa Capitol ay magbibigay ng tag-P5,000 sa bawat pamilya bilang paunang hulog nila sa monthly amortization. Ang akin pong ate, si Lubao Mayor Esmie Pineda, at ang municipio ay tumutulong sa NHA para iverify ang final list of beneficiaries.
Maraming salamat po sa NHA, lalo na kay General Manager Joeben Tai.
#TheDoer
#PabahaySaMahihirap

Follow Us

Copyright © 2020. Municipality of Lubao, Pampanga. All rights reserved.