
Ininspeksyon ngayong araw ni Governor Dennis “Delta” Pineda ang bagong gusali sa Brgy. Sta. Catalina sa bayan ng Lubao
Ayon sa gobernador, naisakatuparan ang proyekto sa tulong ng Local Government Support Fund–Disaster Rehabilitation and Reconstruction Assistance Program (LGSF-DRRAP) ng pamahalaang nasyunal.
“Bigay ito ng pamahalaang nasyunal sa ‘tin bilang tugon do’n sa hiniling natin kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2021. Mayroon itong forty-two (42) air-conditioned rooms na may kanya-kanyang comfort rooms. Mag-uukol din tayo ng kwarto para sa mga doktor at sa nurse station,” ani Gov. Delta.
Aniya, gagamitin ang gusali bilang karagdagang isolation facility para sa mga indibidwal na tinamaan ng COVID-19.
“Maraming salamat po sa pamahalaang nasyunal para sa ibinigay ninyong pondo para maisakatuparan itong proyektong ‘to, malaking tulong po ito sa mga mamamayan ng Pampanga, lalo na’t hindi pa natitigil ang pandemya,” dagdag ni Gov. Delta.
Kasama sa mga nag-inspeksyon sa pasilidad sina Lubao Mayor Esmie Pineda, Special Assistant to the Governor Angelina Blanco, Provincial Engineer Noli Pangan, General Services Office Head Francis Maslog, Dr. Zenon Ponce, provincial health officer, at Dr. Fleur Zapanta, Diosdado P. Macapagal Memorial Hospital chief.
–
Mga larawang kuha ni Jun Jaso/Pampanga PIO