Skip to main content

Isa Pang Batch Ng Seasonal Farm Workers Mula Sa South Korea Ang Nakauwi Ng Matiwasay Sa Kani-kanilang Pamilya

Isa pang batch ng seasonal farm workers mula sa South Korea ang nakauwi ng matiwasay sa kani-kanilang pamilya sa Lubao, Pampanga ngayong araw (July 31,2023). Pinasalamatan ni Mayor Esmie Pineda ang 31 manggagawa na matapat na tinapos ang kanilang kontrata sa SoKor. Binigyan ng alkalde nang pasalubong ang mga balikbayan na sinalubong din ng kanilang mga pamilya.
Malaking pasalamat din ang ipinaabot ni Mayor Esmie sa Kapitolyo ng Pampanga sa pangunguna ni Gov. Dennis Pineda na nagpahiram ng bus na pansundo sa mga manggagawa.
#mayoresmiepineda
#LevelUpLubao
#vmjaymontemayor
#seasonalfarmworkers
#employmentopportunities