Contact Us: (045) 971-6276

Lubao Clean-up Drive sa Sta Cruz Creek

Nagsagawa ng clean-up drive ngayong Biyernes, ika-20 ng Nobyembre ang Munisipalidad ng Lubao.

Pinangunahan ni Mayora Esmeralda G Pineda ang paglilinis sa creek na bumabara na dahil sa tambak ng basura.

Katuwang sa proyekto ang Bureau of Fire Protection Lubao, Lubao Municipal Police Station, MENRO, at Barangay Sta Cruz, sa Sta Cruz Creek, Lubao, Pampanga.

Alinsunod ito sa MENRO Lubao Clean-up day na taun-taong isinasagawa.

Nakikiusap naman si Mayor Pineda sa mga tahanan at mga establisyimento sa tabi ng mga ilog na tigilan na ang pagtatapon ng basura sa katubigan.

#BFPLubao

#PNPLubao

#MENRO

#BAYANIHAN

#Respetosakapaligiran


Follow Us

Copyright © 2020. Municipality of Lubao, Pampanga. All rights reserved.

Official Website of Municipality of Lubao, Province of Pampanga - Home