
Magsasaka sa Lubao Umani ng 310 Cavan ng Palay sa Isang Hektarya
Isang magsasaka sa Bayan ng Lubao, Pampanga ang nakapagpatunay sa magandang ani nang palay kung gagamit ng dekalidad na binhi.
Sa “Masaganang Ani 300″, isang patimpalak na binuo ng SL Agritech Corporation, lumahok at tumugon sa hamon si Randy Martin, isang magsasaka sa Barangay San Pedro Palcarangan.
Gamit ang SL Hybrid Rice Seeds Variety na SL-8H, SL-12H,SL-18H, at SL-20H ang mga kalahok na magsasaka ay kinakailangang maka-ani ng hindi bababa sa 300 cavan na tumitimbang nang 50 kilo kada isa sa bawat isang hektarya.
Nahigitan ito ni Martin, na nakapag-ani nitong ika-27 ng Pebrero 2020 nang 310 cavan sa isang hektaryang palayan.
Sa “Masaganang Ani 300” ay katuwang ng SL Agritech Corporation ang Go Negosyo at Kagawaran ng Agrikultura.
Katuwang rin ang Lokal na Pamahalaan ng Lubao sa pag suporta sa mga magsasaka.
Para sa ibang programa sa Agrikultura, makipag ugnayan lang sa tanggapan ng Municipal Agricultural Office, dito sa Bayan ng Lubao.