
MEDICAL MISSION
Isinagawa kahapon ang part 2 ng medical mission nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, Second District Board Member Mylyn Pineda-Cayabyab, at Lubao Mayor Esmeralda Pineda para sa mga Kapampangan na may sakit sa bayan ng Lubao.
Inilapit ng Kapitolyo ang mga serbisyog medical kagaya ng libreng konsultasyon at gamot sa mga sakit tulad ng diabetes, high blood, sakit sa puso, bukol, at iba.
Maliban dito maryoon ding hinandog na libreng konsultasyon at gamot para sa Kabalen na problema sa mata.
Sa ngalan ni Governor Delta, nanawagan si Vice Gov Nanay sa mga Kapampangan na huwag matakot ay samantalahin ang mga libreng serbisyo ng Kapitolyo para maagapan ang ano mang karamdaman.
Ayon kay Vice Gov Nanay iikot sa buong probinsya ng Pampanga ang medical and dental mission.
Kasama rin sa nasabing medical mission sina 3rd District Board Member Atty. Ananias Canlas Jr., Dr. Zenon Ponce, Provincial Health Officer, at iba pang doktor at nars ng Provincial Government.
📸: Jun Jaso / Pampanga PIO