Skip to main content

Memorandum Circular No. 81

Magpapatupad ng work-from-home arrangement ang mga tanggapan ng gobyerno mula 8:00 AM – 12:00 PM sa Abril 16, 2025, alinsunod sa Memorandum Circular No. 81.

Suspendido ang trabaho mula 12:00 PM para sa maayos na pagbiyahe ng mga kawani sa iba’t ibang rehiyon sa Mahal na Araw.

Ipapatupad din ang Skeletal Work Force sa mga opisina na nagbibigay ng basic and health services, social services, at preparedness/response to disaster and calamities.