
MGCQ pa rin ang Pampanga hanggang July 31, 2021
May mga bagong COVID-19 variants na binabantayan kaya ituloy po natin ang pag-iingat at disiplina.
1. Gawin po natin ang Minimum Public Health Standards gaya ng pagsusuot ng face masks at shields at pag distansya ng 1-2 metro.
2. Bawal po ang pakalat-kalat at umiistambay sa mga lugar pampubliko at lugar pantrabaho. Makakalabas lang po tayo kung tayo ay magtatrabaho, kung may bibilhin tayo o kukunin na serbisyo.
3. Ang mga edad 14 pababa at lampas 65, may mga sakit pati buntis ay dapat manatili sa bahay maliban na lang kung sila ay APORS o authorized persons outside of residence.
4/5. May mga negosyo, serbisyo at aktibidad na pinapayagan. Tignan po sa kopya ng EO No. 11.
6. Ang curfew po ay mula alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng umaga. Exempted po ang mga panggabi ang trabaho pati frontliners.
7. Ang mga social gatherings ay pinapayagan kung 50 percent ng seating or venue capacity ang gagamitin lamang.
8. Ang bentahan at pag-inom ng alak ay hindi na bawal. Ang pag-inom ay puede lang sa loob ng bakuran at sa pagitan ng mga kasama sa parehong kabahayan.
9. Ang mga mayors ang bahala sa mga patakaran na paiiralin sa mga palengke.
10. Inatasan ko po ang mga mayors, barangay officials, Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies na ipatupad ang order.
Ang mga lalabag ay kakasuhan.
Magtulungan po tayo sa laban kontra COVID-19.