Skip to main content

Narito po ang mga Ruta ng Pampublikong Sasakyan na Inaprubahan ng LTFRB

PUBLIC ADVISORY | Simula Lunes, Hunyo 01, 2020, isasailalim na ang Probinsya ng Pampanga sa General Community Quarantine (GCQ).

Base sa Resolution na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease, pinapayagan na ang mga “pampublikong sasakyan,” tulad ng mga jeepney, na magbalik pasada sa limitadong kapasidad (50 percent) para pagsilbihan ang publiko sa mga probinsyang nakasailalim sa GCQ.

Dahil dito, nakipag-ugnayan noong May 14 si Governor Dennis “Delta” Pineda sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para agarang maglabas ang ahensya ng mga Special Permit para sa mga drivers na papayagang mag-operate, bilang pag-hahanda sa GCQ.

Sa unang inilabas na listahan ng LTFRB, nasa labing-siyam (19) lamang na ruta ang inaprubahan ng ahensya. Gayunpaman, nakiusap si Governor Delta na dagdagan ang mga ito upang tulungan at gawing accessible ang transportasyon para sa ating mga manggagawa.

Ayon sa LTFRB, ang mga drivers na nabigyan ng “Special Permit to Operate” ay isasailalim sa isang schedule scheming.

Samantala, paalala ni Governor Delta, bagamat mapapasailalim na ang lalawigan sa GCQ, hindi pa rin ito dahilan para maging kampante.

Hinihikayat ang lahat na bawasan ang ugnayang pisikal at panatilihing dumistansya sa bawat isa, lalo na sa mga pampublikong mga lugar. Huwag umalis ng bahay kung hindi naman kailangan, at kung aalis man, ugaliing magsuot ng facemask at palaging maghugas ng kamay.

Para sa inyong kaalaman, narito ang mga tukoy na ruta sa buong probinsya ng Pampanga na binigyang pahintulot na mamasada simula lunes.