Paalala para sa Pagdiriwang ng UNDAS 2025
Paalala para sa Pagdiriwang ng UNDAS 2025: Kahandaan ang Susi sa Kaligtasan
Sa paggunita ng Undas 2025, inaasahan na muling dadagsa ang ating mga kababayan sa mga sementeryo upang gunitain at ipagdasal ang kanilang mga mahal sa buhay. Paalala po sa lahat na magplano nang maaga bago bumiyahe—siguraduhing maayos ang sasakyan, may sapat na gasolina, dala ang mga kinakailangang dokumento, at makinig sa mga anunsyo ng awtoridad ukol sa trapiko at lagay ng panahon. Iwasan din ang pagdadala ng mga bagay na hindi kinakailangan sa sementeryo tulad ng mamahaling alahas, matutulis na gamit, o anumang maaaring magdulot ng abala o panganib sa kapwa. Maging mahinahon sa biyahe, sumunod sa batas-trapiko, at pairalin ang disiplina upang maiwasan ang anumang sakuna o aksidente.
Ang kahandaan at disiplina ay susi sa isang ligtas, maayos, at mapayapang paggunita ng Undas. Maging alerto, responsable, at makiisa sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng bawat isa. Laging tandaan, ang kahandaan ay tunay na susi sa ating kaligtasan.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1CZXupgjPz/