Skip to main content

PAALALA PARA SA PUBLIKO

Pinagbibigay-alam po sa lahat na may mga indibidwal na nagpapanggap na ako o nagpapakilalang mula sa aking tanggapan at nanghihingi ng cash donations.

Wala po akong pinapadalang mensahe o inuutusang sinuman para manghingi o mangolekta ng pera para sa mga nasalanta ng bagyo.

Pakiusap po, HUWAG magpadala ng pera, mag-transfer ng funds, o magbigay ng anumang personal o financial na impormasyon sa sinumang gumagamit ng aking pangalan para sa ganitong uri ng transaksyon.

Huwag po tayong magpaloko. Mag-ingat po tayo sa mga mapagsamantala, lalo na ngayong marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tunay na tulong.

Paki-share po ang anunsyong ito upang makatulong na maprotektahan ang iba laban sa ganitong uri ng panloloko.

#PublicServiceAdvisory #ScamAlert #LevelUpLubao

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DD9y4kRr4/