Skip to main content

PUBLIC ADVISORY: According to Section 3, here are the Rules for Places Subject to Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) like Pampanga

PUBLIC ADVISORY

Ayon sa Section 3, narito ang mga Alituntunin para sa mga Lugar na napapasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) gaya ng Pampanga.

I. Ang mga Manggagawa at Mga Empleyado (kapwa sa pamahalaan, pribado at mga self-employed) ay maaari nang pumasok sa trabaho at papayagang makadaan mula sa isang bayan/lungsod patungo sa iba pang bayan/lungsod kung sila ay makakapagpakit ng I.D. o Certificate of Employment (na nakabanggit ang araw at oras ng pasok).

a) Sa Pamahalaan—skeletal onsite, ang iba ay work from home. Office I.D. ang kailangang ipakita.
b) Sa Pribadong Kumpanya — limitadonf bilang ng mga manggagawa lamang. Employment Certificate at/o Company I.D. ang kailangang ipakita.
c) Self-Employed—PRC/IBP I.D. at/o Certification mula sa alkalde ng bayan/lungsod.

II. Pinapayagan nang magbukas ang mga negosyo at mga tanggapan maliban sa mga sumusunod:

– Gyms/fitness at sports facilities.
– Barbershops at Salons.
– Entertainment industries (cinemas, theaters, karaoke bars).
– Kid amusement industries (playrooms, rides).
– Libraries, archives, museums at cultural centers.
– Tourist destinations (water parks, beaches, resorts).
– Travel agencies, tour operators, reservation service at mga katulad na industriya.
– Personal care services (massage parlors, sauna, facial care, waxing).

Lahat ng mga hindi nabanggit sa itaas ay maaari nang magbukas ng kanilang mga tanggapan o tindahan.

III. Para sa Transportasyon

1. Suspendido ang lahat ng uri ng transportasyon, maliban sa sumusunod:

a) Tricycle (Kailangan sumunod sa alituntunin ng bawat bayan/lungsod para sa mga ruta, at isang pasahero lamang bawat tricycle. Bawal din ang angkas o backride)

b) Public shuttle na pag-aari o inuupahan ng mga sangay ng pamahalaaan).

2. Pribadong mga sasakyan katulad ng kotseng pampersonal/pampamilya, sasakyang pag-aari ng kumpanya na panghatid-sundo sa mga empleyado nila.

IV. Patuloy pa rin ang mahigpit na home quarantine sa lahat ng kabahayan maliban na lamang kung kailangang bumili/kumuha ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan o papasok patungo at uuwi pauwi mula sa trabaho.

Bawal din lumabas lahat ng may edad 21 taon pababa, at 60 taon pataas, lahat ng may mahinang pangangatawan, may mga sakit na may malaking tsansang mahawa ng iba pang karamdaman o comorbidities, at mga buntis, maliban na lamang sa hindi maiiwasang pagkakataon katulad ng pagbili/pagkuha ng mga pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan o kailangang pumasok sa trabaho.

V. Mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at tanggapan; at pagsunod sa social distancing.

VI. Pinahihintulutan ang mga negosyo na magbukas simula 7:00 am hanggang 7:00 pm lamang.

VII. Ipatutupad pa rin ang curfew simula 8:00 pm hanggang 5:00 am maliban na lamang sa mga essential at night shift workers at iba pang ayon sa umiiral na mga batas.

Source: IATF Resolution No. 37 and the Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines dated May 15, 2020.