Sila ang ating naging sandigan. Sa bawat sakripisyo, sa bawat pag-aaruga. Sa paglipas ng panahon, sila’y tumatanda at humihina. Kaya ngayon, oras na para ibalik ang pagmamahal na minsan nilang ibinigay sa atin.
Kasama po ang ating masisipag na mga doktor, nurses, medical officers at pamunuang barangay, dinadala ng Munisipyo ng Lubao ang serbisyong pangkalusugan mismo sa kanilang tahanan. Lubos din po ang aming pasasalamat sa NANAY PARTYLIST ❤️ para sa mga vaccines na ating pinamahagi.
Sa pamamagitan ng HOUSE TO HOUSE PNEUMOCOCCAL VACCINATION, inaalagaan natin ang ating mga bedridden senior citizens, may dignidad, may malasakit, at may puso. 🤎🤍🤎
Ito ang pamahalaang nagmamahal. Ito ang Lubao na nag-aaruga.
Patuloy po ang serbisyong ito sa mga darating pang araw.
#LevelUpLubao #SerbisyongMayPuso #AlagangLubao #ParaSaSenior
CLICK HERE;https://www.facebook.com/share/r/1Lxd1WAPgQ/