Skip to main content

#WalangPasok sa Pampanga!

KLASE AT TRABAHO, SUSPENDIDO BUKAS — JULY 22, 2025
Nagdeklara na si Governor Lilia “Nanay” Pineda ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, bukas, Martes, Hulyo 22, sa buong lalawigan ng Pampanga.
Layunin nitong masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa gitna ng patuloy na masamang panahon.
Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, suspendido din ang pasok sa gobyerno bukas, Martes, Hulyo 22, sa lalawigan ng Pampanga alinsunod naman sa direktiba ng Malacañang matapos ang rekomendasyon ng Office of Civil Defense.
Ang lalawigan ng Pampanga ay kabilang sa mga lugar na apektado ng tuloy-tuloy na pag-ulan matapos ito isalilalim sa orange rainfall warning level ayon sa PDRRMO.
✅ Kabilang sa mga lugar na may suspensyon ng pasok ang:
Metro Manila
Bulacan
Zambales
Bataan
Cavite
Batangas
Rizal
Pangasinan
Tarlac
Occidental Mindoro
⚠️ Paalala: Mag-ingat po tayo, mga Kabalen! Patuloy na mag-monitor sa opisyal na anunsyo mula sa inyong LGU.
#PampangaPIO #Habagat2025 #PublicAdvisory #WalangPasok #StaySafeKabalen